Friday, April 26, 2013

Flavor of the Day: Cookie Butter


A few nights ago, I gained a deeper understanding of comfort food. You might think, what’s there to understand? You feel bad. You eat. You feel better. That’s all there is to it, right? Well, yes. But I sometimes wonder why the way to heal a heartache is through the stomach. Why a bag of potato chips can salve a broken soul.  Why there is a certain dish you pair with a certain emotion. Why homemade adobo can just be the way to achieve world peace. The other night while having a dinner of champions with my friend Lisa, I understood. And tonight while I wiped out the remains of a bottle of Speculoos Cookie Butter, my theory was affirmed.

On the night I met Lisa, I had just conducted a trainers' workshop for 20 rowdy men. I was exhausted, all my reserve energy spent, way beyond what we now call the state of low batt. They were nice guys, but they were a handful. And when bunched together against one female facilitator, they turn into little, hormonal boys trying to test the limits. Not that they were hitting on me, but they just wanted to see how far they could go with their sexual innuendos before the teacher finally broke down and blushed. I did my best not to. And only a teacher or trainer (or parents) can understand the physical strain, the inner stress, of maintaining classroom authority while striking a balance between being game and being strict. I had fun, tested my training capabilities, learned a few useless factoids, but I got out of that classroom tired to the bone. And I could not get home to plop into bed right away because of the dinner date I committed to.

My friend, visiting from Singapore, was grieving the loss of a friend to cancer. And she was as drained as I was. I asked her what she wanted for dinner. First, she looked for Spanish cuisine, her comfort food of choice. Either there was no good Spanish resto around, or I was just too brain dead to recall any. And so her next choice—“I don’t want any of those big dish, small serving kind of thing.” In other words, she didn't want anything prettily plated but was unsatisfying, leaving you, after spending 1 thousand pesos a head, with the desire to go through a drive-through to fill ‘em stomach up.

We picked Elias in BGC. If you’re looking for comfort food, it’s hard to go wrong with Filipino food. Rich, unapologetic, fat-laden, carb-packed comfort food. Capped by salted caramel and cheese cake ice cream from the adjacent Cake Club.

And because when one is tired, mind and body slow down, my senses allowed me to shut out the world for a moment and focus only on the eating, and I heard and felt how that crispy tadyang scraped my stomach lining just before gently landing on that sweet spot at the bottom of my stomach. Eyes closed, taste buds satisfied, I felt comfort, and things felt right.

It’s that part—that part when the food grazes through the walls of your stomach—that’s where the comfort comes from. Because when one is feeling sad, there’s only so much that a dear, dear friend can do as she rubs your back. Food can get deeper within you and comfort you inside, where nobody else can. That pork belly binagoongan rubbed my esophagus and said, “there, there, there, everything will be all right.” And I believed it.

No English word can beat the Tagalog word for it—hagod. That’s the motion when your mom lovingly rubs alcohol down your chest when you’re sick. The motion when your BFF rubs your back while holding your hair as you pour your dinner, half a bottle of Tanqueray gin, and all the bad juju from that jerk of an ex into the toilet. There, there, there, everything will be all right. That’s what comfort food does.

The richer, the creamier, the fatter, the thicker, the sweeter, the better. Broth, that fat-free, carb-free, fun-free consommé would never do.  Food comforts you like almost nothing else can. Somewhere deep, deep inside, where you think the baddies can’t get in.

Sex, to some degree, can have the same effect. But sex is complicated. Sex requires active participation. Reciprocity. A politically and socially correct response. It requires a giving back. Selfish sex rarely satisfies. But food—food does not expect anything back. It just gives. Soothes, Calms you down. Rubs your insides until on the outside, you start feeling good as well, capable of having animated conversations about more food.

There, there says that thick, gooey pumpkin soup. There, there says that decadent chocolate cake. There, there, says the thigh part of the original flavored KFC.

Tonight, that jar of Cookie Butter gave selflessly, saying there, there. And I felt better.

Thursday, March 14, 2013

Flavor of the Day: Filipino Food

For the first time, a blog in Tagalog.

I read and was entertained by Bebang Siy's book, It's a Mens World. And even though my written Tagalog isn't anything to boast about, I was inspired to write this.




PERIOD.
ni Gege Sugue

Isang beses nung grade one ako, nag survey si Sister Maria Mercedes. Tungkol sa gusto naming maging. Tinanong niya sinong gustong maging doctor. Nag raise ng hands ang mga matatalino. Sinong gustong maging lawyers? Nagraise ng hands ang mga madadaldal at pilosopo.

Sinong gustong maging wife and mother? Gustong gusto kong mag-raise ng hand. Kaya lang, walang ibang nag-raise. A basta. Alam ko na yon talaga ang gusto kong maging. Pangarap kong maging mommy na gumagawa ng sandwiches na ibabaon ng mga anak ko. At gusto ko, lagi ko silang hinahatid at sinusundo sa school. Naiimagine kong tinu-tutor ko sila at mahaba ang pasyensya kong magturo. Meron pang motivational at educational games.

Pero walang nag-raise ng hands. Ang iba pa nga sabi yuck. Hindi pa uso ang ewww noon.Kasi eto yung panahong yucky pa ang mga boys. Sobrang kadiring isipin na magkakaasawa ka. Eh ang mga kilala naming boys lagi na lang amoy pawis at mga alaskador pa. 

Yuck nga. Pero kahit na.
Gusto ko talagang magraise ng hand pero nakakahiya. Ang tindi ng peer pressure na maging kagaya ng lahat. So pinigil ng left hand kong tumaas ang right hand ko.

Sunod tinanong ni Sister Maria Mercedes kung sinong gustong magmadre. Ang mga sipsip kong kaklase nagraise ba naman ng hands. Ngek! Ayoko ngang magmadre, lalo nang ayaw kong maging kagaya ni Sister Maria Mercedes na napakasungit at inuubos ang kalahati ng class hour sa kakabenta ng mga retaso ng hostiya at bookmarks na gawa daw ng mga kasama niyang madre. 25 centavos each. Katumbas ng isang pack ng clover chips! Namamalo pa siya ng kamay at nagpapahiya ng mga estudyante. Bakit ko naman gustong maging kagaya niya madre? Bawal pang mag make-up. Pero ayun, nagraise sila ng hands. Bwisit, naparaise rin ako ng hand. Pilit na pilit nga lang. Ang peer pressure nga naman.

Bata pa lang ako, nasa listahan na nang ambisyon ko yang maging housewife kasama nang ambisyon na tumira sa bahay na may swimming pool. Maging housewife na apat ang anak. Parang Bobbsey Twins. Dalawang pares ng kambal. Dalawang lalaki, dalawang babae.

Kaya lang irregular yung period ko. So, nung college pa lang ako, nag-umpisa na akong mag-alala na baka magkaroon ako ng problema sa pagbubuntis. Pero nung mga panahong yon, mas-importanteng hindi mabuntis. Patay ka! Ang laking problema kayang mabuntis habang college ka pa lang. Forever kang grounded. Kaya hindi ko na muna ginawang problema yang issue na baka baog ako.

Nung kinasal ako, sinabihan kaming mag-asawa na maghintay ng mga dalawang taon bago magka-baby. Agree naman ako sa suggestion na yon. Pero nung anim na taon na kaming kasal at wala pa ring baby, nagpatingin na kami. Meron daw akong Polycystic Ovarian Syndrome o PCOS. Katunog nga niya ang Philippine Charity Sweepstakes Office, na PCSO. Pero kabaligtaran ng jackpot ang ibig sabihin. Ang ibig sabihin ng may PCOS, mahihirapan akong mabuntis. Kadalasan pa nga ang mga babaeng may PCOS tumataba. Sus!  Ano ba yon? Baka hindi na nga ako manganak. Pero ang katawan ko mukhang nanganak. Ang saklap, diba?

Ang solusyon, mag work-up. Eto yung  treatment na gagawin ng mag-asawa para mabuntis. Nag-uumpisa sa Clomid, para mag-ovulate. Pag hindi yan tumalab, magdadagdag ng ibang klaseng gamot. Pag hindi pa rin tumalab, dagdag na naman. Hanggang dumating sa injections. At invitro. Hangang kakayanin ng siyensiya.  

Umabot kami sa injections. Araw araw, isang tusok. Asawa ko ang tagaturok. Ang butt cheeks ko parang project ng DPWH. Puro excavation. Naubos na ang surface ng pwet ko na walang turok, pero wa epek pa rin. Ang mahal mahal pa ng mga gamot. Bawat injection, mga 5,000 pesos. Tapos wa epek pa rin. Tapos scheduled pa ang sex. Ang hirap kaya nun. Pag gusto mong magjoogs tapos hindi puede, tiis ka. Tapos pag hindi mo naman feel pero kailangang mag-joogs, go lang ng go. Naging mechanical na nga. Pero kahit ang dami ng gamot, injections, gastos, oras, at stress ang ginugol namin sa baby-making project, ayun, wa-epek pa rin.

Dumating ang panahon na umayaw na kami at umasa na lang na mabubuntis kami ng walang effort.

Hindi nangyari. Walang effort. Walang baby.

Ngayon, 46 years old na ako. Tanggap ko nang hindi na ako magiging mommy. Wala rin namang issue sa asawa ko.

At hindi ako bitter, ha? Hindi talaga. Kunyari meron akong mga kaibigan o kamag-anak na nabuntis, natutuwa ako para sa kanila. Masaya ako para sa kanilang blessing na anak. At least, meron akong malalarong cute na sangol. Tapos pag hindi na siya cute—umihi, tumae, umiyak nang bongang bonga--puede nang ibalik sa nanay, tatay, o yaya.

Minsan nakikita ko rin naman ang advantages ng walang anak. Menos sa gastos. Menos sa hassle. Menos sa responsibilidad. Hindi ka nag-aalalang magkakasakit, magkakaproblema, magkakaboyfriend ang anak mo. Menos sa wrinkles.

Pero paminsanminsan nakakainis rin. Ang unang nakakainis ay yung mga taong nangungulit. “O kelan na?” “May laman na ba yan?” “Hindi yata kayo marunong eh.” Click ignore na lang ako sa mga taong ganun. Pero minsan, gusto ko silang sagutin, “Wala pa eh. Hindi pa ako buntis. Eh ikaw, kelan ka mamamatay? Kasi kompleto na ang buhay mo dahil may anak ka na, so puede ka nang mamatay, diba?”

Ang isa ko pang kinaiinis ay pag may mga nabubuntis o nanganganak na wala namang karapatang maging ina. Yung mga nilalagay yung baby nila sa sando bag na plastic at iniiwan na lang sa basura ang supot at hayaan na lang mamatay ang baby. ‘Nyemas! Lord naman, bakit hinayaan mo silang mabuntis? Bakit hindi na lang ako? Never kong ilalagay ang baby ko sa supot. Promise. It’s so unfair!

Naiinis rin ako pagnakakakita ako ng babaeng grasa na buntis. Naman! Bakit siya? Unang una, hindi ko maubos maisip kung paano nangyayari yon na kahit nanglilimahid na siya sa grasa at libag, meron pa ring nahorny sa kanya. Pangalawa, naaawa ako sa kanya kasi malamang na-rape siya. Pero masnaaawa ako sa batang ilalabas niya. Saan siya titira? Anong papakain niya? Magiging grasang sangol rin siya. Unfair diba na akong umaasa at umeeffort hindi mabuntis?

Sobrang unfair.

O kaya naman pag may nabubuntis na underage. As in sobrang bata. Mga around 14 years old. Ang laking problema sa kanya na nagdadalangtao siya. Hindi siya handa. Wala pa siyang pera, kakayanan, tamang pag-iisip, at maturity para maging ina. Eh ako dito, handang handa at buong buo ang kaloobang magdala ng tao sa aking katawan na may balakang saksakan ng laki at kayang magluwal ng quadruplets. Talagang unfair.

O sige na nga, aminin ko na. Bitter ako. Bitter Ocampo talaga.

Hay.

Ang isa pang nakakainis isipin ay eto: eh bakit pa ako nagkaka-period? Bakit ko pa dinadaanan ang hassle ng pagreregla? Si Kim Chiu, mahilig sabihin, “Have a happy period!” Nang-aasar ka ba? Ano ka, hibang? Ano naman ang masaya sa pagkakaron ng period. Kadiri. Ang pangit ng feeling. Minsan masakit. Palit ka ng palit ng napkin at ng panty. Hindi mo masuot yung puti mong pekpek shorts. Minsan  pa, yung period exclamation point sa lakas! Minsan tatagusan ka pa. Minsan magkakamantsa ang kama. Hassle talaga. Buti sana kung may hihinatnan. Buti kong ang resulta naman eh mabubuntis ako. Eh hindi! So what’s the point? What’s the point?!? Bakit? Bakit? Bakit? Ang daming question marks tungkol sa period na ‘to.

Pero, okay na rin ako. Natanggap ko nang hindi ako gagawa ng sandwiches para kay Joaquin, Gabrielle, Lucas, at Laurel. Oo, may mga pangalan na sila. Natangap ko nang hindi ako magiging presidente ng PTA. Natangap ko nang wala akong aayusan para sa kanilang class program. Natangap ko nang hindi ko mararamdaman ang napakasakit ngunit napakafulfilling na karanasan ng pangaganak. Natangap ko nang walang gagawa para sa akin ng Mother’s Day card. Natangap ko nang hindi na kami makakabawi sa dami nang children’s party na inattend namin na may dalang regalo tapos wala kaming representative na anak na mananalo ng prizes para sa Bring Me, Longest  Line, at Happy Birthdaaaaaaaaaaay. Natangap ko na na kapag dalawa kayong babaeng naiwanan ng flight, at isa lang yung available na seat sa next flight, yung isang babae, puede niyang gamitin ang mommy card para sabihing masimportanteng makauwi siya kasi may exam ang anak niya. Ang selfish ko naman pag sinabi kong masimportante akong makauwi kasi miss na ako ng asawa ko at kailangan ko siyang ikiss sabay hug. Tangap ko na na pagnagbigay ako ng payo sa isang ina, isasampal niya sa aking wala akong K, I don’t understand kasi hindi ako magulang. Tanggap ko na.

Pero paminsan-minsan umaasa pa rin ako. Hindi ko pa linalagyan ng period ang pangarap ko na ‘to. Habang may period, may pag-asa.

Semi-colon siguro. Nung nabuntis ang pamangkin kong si Rica, sabi ko sa kanya, “Kainis ka naman. Ginawa mo na akong lola kahit hindi pa ako nagiging mama.” Kaya naisip ko nang tumigil sa ilusyon maging ina. Period na. Close the chapter. Parang the end na nang pangarap, ng motherhood dreams. Kasi kung nasa edad na ako na puedeng magiging lola, e di baka overaged na akong maging bagong ina. Pero parang ang harsh naman nun. So, semi-colon na lang muna.

Siguro okay na rin. Meron rin namang mga pampalubagloob. Tulad nung isang mother’s day, nung nakatangap ako ng text message galing kay Rica, ang pamangkin kong bagong ina.
“Happy mother’s day, Tita Gege! Thank you for being a second mom to me and Aria. We love you.!”
Awww. Ano bang punctuation mark ang masmatindi pa sa exclmation point? Yung interrobang? !?!

Siguro yun na nga lang ang role ko sa buhay. Kung ang mga artistang tumatanda umiiwas sa mother roles, ako talagang hanggang second mother na lang ang role ko sa pelikula ng buhay ko.

Pero sabi ko nga, may pag-asa pa. Habang bumibili pa ako ng Kotex, kahit irregularly, ibig sabihin ay meron pang fighting chance. So, sige, wag na munang lagyan ng period ang storyang eto. For now, dot, dot, dot na muna.

Image stolen from: http://en.wikipedia.org/wiki/Philippine_cuisine